Another question here is that what is the different between mala inse and mala prohibita, attempted, frustrated and consummated homicide and murder and what is the distinction between the two, may be she is referring to murder and homicide.
Well, siguro first year law student itong nagtatanong kase kung titingnan mo yong mga tanong ay puro tanong sa subject na criminal law I, tama ba ako mis Janina?
Ang masasabi ko lang ay basahin mo na lang yong libro mo mis sexy and mis beautiful Janina ok ba? Hahahahahahahaha ok sure diba?
Pero ok, dahil sinabi ko nga pala na una at huling pagkakataon ito na ii entertain ko yong mga tanong habang ako ay law student pa lamang ay sige, pipilitin nating sagutin ang mga yan sa abot n gating makakaya.
Ang una ay yong distinction ng mala inse at mala prohibita muna tayo ano po? Pero dahil isa kang law student ay sasagutin kita sa paraan na kung paano tayo sumagot ng mga tanong sa exam natin sa klase ok ba?
Pero kung sakaling talagang hindi ka law student ay tingnan mo yong unang distinction at halimbawa ng special laws at maiitindihan mo na ang pagkakaiba ng mala in se sa mala prohibita.
1. Under our law, the distinction between mala in se and mala prohibita are the following:L
A).Mala in se or felonies are crimes punished under the Revised Penal Code, and mala prohibita or statutory offenses are penalized under special laws.
As a rule felony is an act mala in se which is wrongful from its very nature while an offense is an act mala prohibita which is a wrong only because there is a law punishing it.
Ang halimbawa ng special law po ay yong mga presidential decrees gaya ng PD 129, PD 1797 at marami pang iba at yong mga republic acts gaya halimbawa ng Republic act 9344, R.A 9262 and so on.
(B) In mala in se, the acts constituting the crimes are inherently evil, bad or wrong, and hence involves the moral traits of the offender, while in male prohibita, the acts constituting the crimes are not inherently bad, evil or wrong but prohibited and made punishable by law for public good
(C) In mala in se since the moral trait of the offender is involved, the modifying circumstances, the offender’s extent of participation in the crime, and the degree of accomplishment of the crimes are taken in to consideration in imposing the penalty, these not being the case in mala prohibita where criminal liability arises when the acts are consummated
(D) In mala in se, good faith and absence of criminal intent are valid defenses, however, in mala prohibita, good faith and absence of criminal intent are not valid defenses because it is the commission of the act and not its character or effect that determines whether the law has been violated.
Doon nap o tayo sa distinction ng attempted, frustrated at consummated homicide or murder at ano yong pagkakaiba ng homicide sa murder?
Well mis Janina, basahin mo nalang yong Article 250 yata yon o 251 ng revised penal code book two sa kung ano ang distinction ng attempted, frustrated and consummated homicide or murder nan doon yon pero hayaan mong ipaliwanag ko ito sayo sa paraang madali mong maiitindihan.
Narinig mo nab a yong phrase na under the contemplation of the law?
Hayaan mong I illustrate ko na lang ito at sigurado akong maiitintindihan mo kung ano ang pagkakaiba ng attempted, frustrated at consummated homicide or murder pero bago po muna yong halimbawa ay diba na discuss na ninyo o na bas mo na yong ibig sabihin ng mortal wound?
Ang ibig sabihin ng mortal wound ay yong sugat ban a kung hindi maagapan ay maaaring ikamatay noong taong may sugat.
So sa halimbawa nap o tayo.
Sa wikang Filipino poi to ha? para kung sakaling hindi ka talaga law student ay mauunawaan mo ito at ganon din doon sa iba pang makakabasa nito.
Illustration.
Gustong patayan ni Juan si Pedro kaya umisip siya ng paraan kung paano niya isagawa yong kanyang balak, saang lugar niya ito isasagawa, kung anong oras at kung ano ang kanyang gagamitin sa pagsasagawa ng kanyang masamang balak kay Pedro.
Naisip niyang sa gabi niya ito isasagawa at sa isang kanto na siyang lagging dinadadaanan ni Pedro kung ito ay pauwi na sa kanilang bahay.
Dumating ang gabi at hawak ni Juan ang kanyang baril ay pumunta siya san a sabing kanto at inabangan ang pag daan ni Pedro at ng Makita ni Juan na dumadan si Pedro san a sabing kanto ay binaril niya ito at nag tamo si Pedro ng malalim na sugat na kung hindi maagapan ay maaari niyang ikamatay at yon nga yong tinatawag nilang mortal wound.
Sa pag aakalang patay na si Pedro ay dali daling tumakbo si Juan papalayo sa lugar na iyon.
Sa mga oras ding iyon ay Tsempong napadaan si Manuel sa lugar na iyon at nakita niya si Pedro na naka handusay at agad niya itong dinala sa hospital at si Pedro ay ginamot kaagad ng mga walang utak na doctor ang ibig kung sabihin ay ng mga magagaling na doctor kaya siya ay nakaligtas.
Yon po ang halimbawa ng frustrated murder kase, maiging pinagplanohan ni Juan kung paano niya isasagawa yong kanyak masamang balak kay Pedro o sa madali’t sabi ay talagang intention niya talagang patayin si Pedro at yong sugat na tinamo ni Pedro ay yong tinatawag nga nilang mortal wound na kung hindi kaagad naagapan ay maaari niyang ikamatay.
Pero kung sa halimbawang nabanggit, ang sugat na tinamo ni Pedro ay hindi malalim o hindi ba seryosong sugat o di kaya’y hindi siya tinamaan noong siya ay binaril ni Juan, yong po ang attempted murder.
At siyempre, kung si Pedro ay namatay noong siya ay binaril ni Juan, yon po ang consummated murder.
Pero kung sa halimbawang nabanggit, walang intention si Juan na patayin si Pedro, dahil lang ba lasing si Juan at tsempong napadaan si Pedro ng ito ay barilin ni Juan,
Kung hindi mortal wound o hindi malalim yong sugat na tinamo ni Pedro, yon po ay attempted homicide, at kung ang kanyang tinamo ay mortal wound o malalim, frustrated homicide at siyempre, kung si Pedro ay namatay, consummated homicide.
So yon po ang illustration ng attempted, frustrated at consummated homicide or murder ok ba?
Naintindihan mo na siguro yong pagkakaiba ng mga yon ano po?
2. Doon nap o tayo sa pagkakaiba ng homicide at murder,
Well Janina,
Sa murder po ay mayron po yong mga aggravating circomstances at kung wala yong mga aggravating circomstances na mga yon ng isagawa yong pagpatay ay homicide po ang tawag sa krimen.
Example ng mga aggravating circomstances na kung present o mayron yon sa pagpatay ay yong mga: Treachery, taking advantages of superior strength, inconsideration of price, reward or promise at marami pang iba.
Masyadong mahaba kung Ididiscuss natin ditto kaya kumuha ka nalang ng revised penal code book II na annotated at basahin mo yong explanation ng article 248, nandoon po yong mga aggravating circomstances at nadiscuss din doon ang krimeng murder.
Nai email ko na rin poi to doon sa email address mo at sana’y na satisfy kita sa pagsagot sa iyong katanongan.
November 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment