May 7, 2010

My Opinion.

Someone had sent me an email and she is asking on what is my opinion on that decission of the Secretary of DOJ on that Maguindanao massacre case.

Well can I use our Filipino language in giving my opinion?


Kase hindi sa ipinagtatanggol ko yong sec. ng DOJ ha? Pero alam mo kase sa ilalim ng batas natin ay mayrong mga requirements o proseso tayong dapat sundin.

Susubukan kong ipaliwanag ito sa pamamagitan ng isang simpleng halimbawa ayos ba?
Hindi natin gagamitin yong kaso ng Maguindanao kase hindi natin alam kong ano ba talaga ang nangyari kung bakit nag decision yong Sec. ng Doj ng ganon at isa pa, mayron silang kani kanilang version: Yong mga prosecution at yong SEC ng DOJ.

Hal.

Hinuli ng mga polis si Juan sa kanyang bahay dahil sa sangkot siya sa pag bebenta ng pinagbabawal na droga pero hindi nila siya pinagsabihan kung ano yong kanyang mga karapatan sa ilalim n gating batas.

Pumasok sila sa kanyang bahay at kinuha yong mga drogang nandoon kahit walang search warrant muli sa korte.

Ngayon kung sa pagsisiyasat ng hukom, natuklasan niyang si Juan ay hindi napagsabihan ng kanyang mga karapatan sa ilalim ng batas ng siya ay huliin at basta nalang pumasok yong mga nanghuli sa kanya sa kanyang bahay ng sam samin yong mga drogang nandoon kahit walang utos o pahintulot mula sa korte, ay maaari niyang Ipag utos na pakawalan si Juan kahit totoong si Juan ay sangkot sa pagbebenta ng pinagbabawal na gamut at kahit pa may nakuhang mga pinagbabawal na droga sa kanyang bahay.


Ito ay gagawin niya dahil tungkolin yon ng Hukom kase sa ilalim n gating constitution o saligang batas, nakasaad na:

Section 2. The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature
and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally
by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to
be searched and the persons or things to be seized.

Hindi ko na ito isasalin sa Filipino kase baka maiba yong ibig sabihin at saka ang hirap? Wahahahahahahaha.

Sa katunayan kung mingsan ang dapat sisihin kung bakit nag lalabas ng decision ang hukom pabor doon sa inaakusahan o sige doon sa nakagawa ng krimen ay dahil kung hindi man sa kakulangan ng mga ebidensiya ay may mga depekto na man ang mga ito maaaring dahil sa paraan ng pagkuha ng mga ito o ano pa man.

Kaya nga kung mingsan ay may mga hukom na nag iinhibit o ayaw hawakan ang isang kaso lalo na kung ang nasasangkot ay isang taong malapit sa kanya kase hindi maiiwasan bang magduda ang mga tao kung yong decision niya ay pabor doon sa nasasangkot.


Sana’y kahit kaunti ay naliwanagan ka kung bakit mingsan, ang isang hukom o ang korte ay naglalabas ng ganong klase ng mga decision.

Nai email ko na rin ito sayo. I check mo nalang sayong inbox.

Have a nice shat.

No comments: