Lets answer this questions that they have sent to me through an email guys?
pero bago po ang lahat, nais ko pong ipaalam doon sa mga nag email ng mga katanungang ito na hindi pa po ako isang abogado kundi isa lamang po akong law student.
Ayaw ko sanang sagutin itong mga tanong na pinadala ninyo sa aking email address pero sa una at huling pagkakataon habang ako ay law student ay pipilitin kop o sa abot ng aking makakaya na sagutin ang mga ito pero ngayon lang to ha?
Ididilit ko nap o yong email address ko sa aking blogat hindi ko nap o Ii entertainyong mga tanong na muli kong matatanggap kase, hindi pa po ako ganon kahandang sagotin yong mga ibat ibang klase na mga tanong ninyo dahil gaya nga po ng sabi ko ay hindi pa po ako isang abogado kundi isa lamang po akong law student.
Opo, hindi pa po muna sa ngayon. Hintayin po muna ninyong maging ganap na abogado ako at saka kayo magtanong ng ibat ibang klase ng tanong tungkol sa batas natin at pangakong sasagotin ko ang mga yan ng kahit walang attorney’s fee hahahahahahahahahahah.
1. Ang unang sasagotin po natin ay yong nagtatqanong tungkol sa adoption. Ayon po ditto sa email ninyo ay gusto ninyong mag adopt ng bata ditto sa Pilipinas pero ang problema ay nandiyan kayo sa estadus Unidus, ano po ang inyong gagawin at ano po ang mga requirements para kayo po ay makapag adopt at gaano pokatagal yong prosesobago maibigay sa inyo yong batang I aadopt ninyo diba yon yong tanong ninyo maam? Babae kase yong nagtatanong kase sa pangalan niya pero babae ka nga ba? A! sorry po wala nga palang kinalaman yon sa tanong ninyo.
Una pos a lahat ay sa requirements po muna tayo ano po kung ano po muna yong mayron kayo bago po kayo makapag adopt.
Sa ilalim po ng batas natin, ang makakapag aadopt po ay: (a. Any Filipino citizen of legal age, B. in possession of full civil capacity and legal rights, C. of good moral character, D. has not been convicted of any crime involving moral turpitude, E. emotionally and psychologically capable of caring for children, F. at least 16 years older than the adoptee and who is in a position to support and care for his/ her children in keeping with the means of the family.
The requirement of 16-year difference between the age of the adopter and adoptee may be waived when the adopter is the biological parent of the adoptee, or is the spouse of the adoptee’s parent;
So yon po ang mga dapat ay mayron kayo para makapag adopt.
Madaling maintindihan naman po siguro ang mga yan diba? Liban na lang siguro doon sa requirement na IN POSSESSION OF FULL CIVIL CAPACITY AND LEGAL RIGHTS.
Ang ibig sabihin po noon ay Malaya kayong pangasiwaan yong inyong mga ari arian, Malaya kayong I I donate ito, makipag transact sa ibang tao, ibenta ang mga ito at iba pa.
Kase, sa ilalim po kase ng batas natin, yong mga minority, insanity or imbecility, prodigality at civil interdiction ay kapag mayron kayo noon ay hindi kayo in possession of full civil capacity and legal rights, pero hindi naman po kayo siguro Minor ano po? O na sentensiyahan ng pagkakabilanggo ng 12 years and 1 day, kase po, doon pumapasok yong civil interdiction pero hindi nap o natin ididiscuss yon kase masyadong mahaba, ang mahalaga doon ay hindi kayo kaylan man na sentensiyahan o nabilanggo, at lalong hindi naman po kayo insane diba?
Pero paano kung ang tanda ninyo doon sa iaadopt ninyo ay less than 16 years? Pwede rin po basta raw when the adopter is the biological parent of the adoptee, Ibig sabihin po ay yong mag aadopt ay magulang din ng Iaadopt. Siguro itatanong ninyong paanong iaadopt ng magulang yong sarili niyang anak? Pwede po yon at ang halimbawa niyan ay yong anak ninyo sa labas ay iaadopt po ninyo para sa ilalim ng batas natin ay magiging legal na anak po ninyo siya, yon yong sinasabi nilang iaadopt ninyo yong illegitimate child ninyo para magiging legitimate child po ninyo siya, at or is the spouse of the adoptee’s parent; ibig sabihin po niyan ay yong mag-aadopt ay yong asawa ng magulang ng iaadopt.
Siguro po ay itatanong din ninyo, paano po kung American citizens napo ako? Dahil diba sabi ninyo na na sa Estadus Unidus kayo ngayon?
Pwede rin po kayong mag-adopt, yon ngang alien o foreigner ay makakapag-adopt basta po mayron sila ng mga nabanggit na qualification
Ang susunod na tanong diyan ay paano kung mayron kang asawa at foreigner pa?
Sa ilalim po ng batas natin aykaylangan pong kayong dalawa raw ang mag-aadopt Liban na lang kung: (i) if one spouse seeks to adopt the legitimate son/daughter of the other; ibig sabihin po noon ay Kung yon daw asawa ay I aadopt yong anak ng kanyang asawa,
(ii) if one spouse seeks to adopt his/her own illegitimate son/daughter: Provided, however, That the other spouse has signified his/her consent thereto; ang ibig sabihin po niyan ay alin man doon sa mag asawa ay Iaadopt niya yong anak niya sa labas pero kaylangan dawn a sumang ayon yong kanyang asawa. At ang huli ay (iii) if the spouses are legally separated from each other.
So medaling maintindihan naman po yan siguro ano po?
In case husband and wife jointly adopt, or one spouse adopts illegitimate son/daughter of the other, joint parental authority shall be exercised by the spouses.
At kapag nakapag-adopt nap o raw kayo ay yong gampanin ng isang magulang ay kaylangang gampanan ninyong mag asawa at hindi lang yong gusting iadopt yong bata.
2. Doon pos a kung gaano katagal yong proseso ay sa tingin kop o ay hindi baba sa 6 o anim na buwan kase po, mayroon ba yong tinatawag nilang trial custody na kung saan ay I aassess nila yong adjustment and emotional readiness for the legal union o sa madali’t sabi ay titingnan nila kung gaano kayo kahanda para doon sa pagsasama ninyo doon sa iaadopt ninyo bago nila I grant o sang ayonan yong petition for adoption ninyo.
Pero yong trial custody na tatagal ng anim na buwan ay maari raw na mapababa pa kung sa tingin ng korte ay nakakabuti yon sa best interest of the child o kapanan ng bata
3. Doon pos a kung ano ang inyong gagawin ay sa tingin ko ay makipag ugnayan na lang kayo doon sa Department of social welfare and development kase po hindi kung sino sinong bata raw ba yong iaadopt ninyo, kaylangan, sila nag magsasabi kung yong bata na iaadopt ninyo ay available for adoption.
At mayron pa yong consent o pag-sang-ayon na kukunin ninyo, gaya halimbawa ng consent o pag sang ayong noong bata kung ang edad niya ay 10 years or over, o yong pag sang ayon ng kanyang mga magulang kung sila’y kilala o yong consent o pag sang ayon ng government instrumentality which has custody over the child o yong sangay ng gobyerno na nangangalaga doon sa bata gaya nga ng Department of social welfare and development.
Kaya mas mabuting makipag ugnayan kayo na lang sa kanila ok?
Ang mahalaga ay mayroon kayo ng mga qualification ng isang mag aadopt gaya ng nabanggit natin doon sa number 1 ok po?
Naku po! Sorry po ha maam kung hindi masyadong maliwanag yong pagkaka explain ko pero, kung may follow up question po kayo ay mag email kayo muli sa akin at pipilitin kop o sa abot ng aking makakaya na sagotin pero related ditto sa katanungan niyo ha?
Dahil gaya nga po ng sabi ko, ay hindi ko nap o ii entertain yong matatanggap ko pang mga katanongan, huwag po muna sa ngayon.
At kung sakali talagang itutuloy mo yong pag adopt ay kakailanganin mong kumuha ng abogado kase po, yongproseso ng adoption ditto sa atin sa Pilipinas ay judicial in nature o dadaan at dadaan kayo sa korte kaya sigurado sigurong ipapaliwanag noong abogado mo sayo ang kalahatan ok po?
In email ko na rin poi to doon sa email address ninyo, at salamat po sayong tiwalang nagtanong at good luck.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
may tanong ako, kaso i dont want it to be posted here, e-mail add mo na lang, pwede makuha?
thank you!
Prez
Post a Comment